Monday, November 24, 2008

Fuck coffee.

Di na naman tuloy ako makatulog. Alas-kwatro y medya na paksyet. Mabubuhay na lang ako sa StumbleUpon.

Kaka-stumble ko nakarating ako sa isang page tungkol sa Hiroshima bombing nung WWII. For some reason sobrang interesting read sya - siguro kasi Pinoy tayo, malamang ang mga lolo't lola nating lahat may kwento tungkol sa panahon ng Hapon, at nakakatawa hindi ba, na halos lahat ng nagbabasa ng blog ko ay nasa Japan ngayon at araw-araw kadaupang-palad ang mga Hapon.

Pero seryoso. Mapapaisip ka e. Andaming comments dun sa article, both for and against the bombing. Mato-touch ka dun sa iba, manghihilakbot ka naman sa iba. Hindi mo alam ang iisipin mo dahil Pinoy ka at may ideya tayong lahat kung ano ang sinapit ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapon - pero at the same time, 60 years after the war, andito tayong lahat, nakikisama at pinakikisamahan nila.

Antagal ko na sa Japan, pero isang beses ko lang narinig mula sa isang Hapon yung tungkol sa WWII - sa isang lasing na lolo na chinika kami sa bentohan habang kumakain kami. Humingi sya ng sorry sa amin nina Dulce at Angel, dahil daw dun sa mga napatay nilang Pinoy sa Leyte ata. Gutom na gutom na raw kasi sila, pero ayaw daw silang bigyan ng pagkain ng mga Pinoy, kaya pinatay nila, sabay demonstrate kung paano nila pinatay: pa-bayoneta pa ata. Syet brutal. "Gomen, ne," sabi nya. Si Dulce na-touch sa sorry nya; ako hindi, kasi I suspect lasing lang sya at hindi nya alam ang sinasabi nya. (At siguro kasi tinanong nya kami kung ano raw yung "sex" sa Tagalog - pota napagkamalan pa ata kaming Japayuki.) But anyway.

I am torn between the fact that the Japanese performed unspeakable atrocities during the war, affecting my family, and most certainly yours too, directly - and the fact that I am now living in Japan, adapting to the culture, learning to love its people. So many questions. Should I be angry? I'm not. The war was 60 years ago. Almost all of us had nothing to do with it. Should I feel guilty because I'm not angry? Shit baka iniisip ng mga ninuno ko binabastos ko ang mga alaala nila. Does this explain my love-hate relationship with Anjo? Hmm, iba na ata yon.

ANYWAY. Hindi ko napigilang mag-komento sa artikulo. Ang kulit kasi ng reply ng mga tao. The link is here. Good luck.

2 comments:

Unknown said...

didn't follow the link. baka kung ano pa ang mangyari sa umaga ko.

the sins of the fathers. we should forgive, but never forget.

jMe said...

amen.