Wednesday, January 30, 2008

Sinundan ako ni Morning Meeting Guy sa Tokyo!

Haha yung isa kong crush sa Itami nakita namin ni Jim kaninang lunch sa caf dito sa Hachiouji. Siguradong nakita nya rin kami kasi si Jim nagpakaobvious na sinaspatan sya. XD

Nung umaga nag-weekly meeting na naman kami, at this time kaharap ko na sa mesa yung mga key persons ng project habang nagtetelecon. Nakaka-intimidate pero at the same time nakakatuwa kasi sobrang asikaso nila, lalo na ni Oda-san. Sa video conference na-special mention na naman na pinapunta nya kami ng Tokyo kaso isa na lang pala ang bug namin (sarap ng feeling nun sobra), tas tinatanong nya rin kung meron daw ba 'ko nung files na gagamitin for the meeting (wala, so sa gitna nung meeting kinopya nya sa USB nya yung files at binigay sa 'kin) tapos nung patapos na, tinanong nya 'ko kung may gusto ba raw akong idagdag. Ngumiti lang ako tas umiling. Kahit mabait sya sobra naiintimidate pa rin ako e, hahaha XD

Anyway I would just like to report na as of tonight at around 22:00 pm JST, zero bugs na ang hawak ng 制御13開発GangesM窓口. (That's me by the way.) Nung mga 19:30 na-close na namin yung akala kong huli nang bug, tas mga alas-otso nakita ko may isa palang tumakas sa tester at bumalik. So thankfully madali lang din namang na-close yun.

Anyway ang masasabi ko lang tungkol sa zero bug status na 'to ay... hindi ko 'to kagagawan. No thanks to me at all. Gawa 'to mostly ni Jim at shempre ng offshore team. Saludo ako sa inyo. Maraming maraming salamat. Ang sarap. Ang saraaaaaaaap ng ganitong feeling. Naubusan kami ng bugs! Kaya today (and the rest of the week, if we stay pa rin dito) wala kaming deadlines to beat. Ang saraaaap sarap. Sobra. Yun nga lang namimiss ko pa rin si Anjo. Hahahahaha XD

Anyway tulog muna 'ko. Just wanted to share the milestone e, hahaha XD Gunayt!

No comments: