This morning, met up with Shigehisa-san at Shin Osaka station (Anjo's town!) and rode the 8:53 bullet train bound for Hachioji, Tokyo. Stig naman bullet train. Mabilis. Parang bala. Na ang presyo ay 13 thousand yen. For two hours. Shet almost 40 pesos per minute. Stig yun a.
Arrived at KMBT Hachioji around 1230 and ate a quick lunch at the enormous cafeteria. Exag talaga anlaki ng site na 'to ng KMBT. Akala ko malaki na yung Itami e. Dito sa Tokyo andaming buildings ng site, may roads talaga sa loob. Compound to the 2329877143941st level.
Was feeling nothing but pure fear at the thought of meeting my bosses at 1 pm. As in grabe talaga kinakausap ko sarili ko. "Uwi na 'ko uwi na 'ko uwi na 'ko uwi na 'ko..." Tas dumating sa conference room si Sekido-san, ang head ng QA at ang naniniguradong sinusunod ng bawat person-in-charge ang kani-kanilang mga deadline. (In short sya yung naniningil ng bug fixes sa 'kin araw-araw.) Sobrang kaba. Okey naman, nagpakilala kami sa isa't isa nang maayos. Pero di sya nakuntento. Dinala nya kami ni Jim sa isang testing room na puno ng mga naglalakihang printers at equipment at pinakilala kami sa mga testers na binubulabog ko ng mga requests ko for further testing. Tapos wait di pa tapos. Pumunta kami dun sa area ng mga boss tas pinakilala kami ni Sekido-san kay Kakutani-san (yung manager ng Dev 11), kay Oda-san (yung over-all project leader), at kay Fukuou-san (yung panel leader na pinapasahan ko ng bugs at nagpapasa naman sa 'kin ng bugs.) Shet etong mga taong 'to yung mine-mail ko araw-araw ng mga eksplanasyon sa malabo kong Nihongo at sobrang kinatatakutan ko. Nagkita na kami sa wakas, face to face.
Ano'ng feeling? Shockingly, ayus naman. Niyaya nila kami sa status meeting ng mga bugs kasama yung iba pang mga Hapon na debuggers, at sobrang light naman pala ng atmosphere. Nagtatawanan pa sila sa mga delays nila kahit bukas na yung deadline ng lahat ng bugs, ang gago. Tas pinakilala 'ko - na-realize ko ako lang yung babae dun sa kwarto - tas nag-sorry si Sekido-san sa 'min ni Jim kasi pinapunta-punta pa nila kami ng Tokyo e dalawa na lang yung bugs namin, patapos na rin naman. Thanks Jim. :D
Conclusion: SOOBRANG laking load off my chest. Siguro kasi alam kong onti na lang yung bugs namin. Pero more than that at least alam ko na kung sino yung mga kausap ko sa mail araw-araw, yung mga imahen at boses na naririnig ko tuwing may weekly video conference kami, yung mga Hapon kong boss na feeling ko sooobrang laki na ng atraso ko at sooobrang ayokong makita dahil sa mga delays na dulot ng kabagalan ko. Totoong tao pala sila, hindi lang sila mga pangalan sa address book ko at boses na nagsasalita ng di ko maintindihang Nihongo. They really do exist (hindi lang sila creatures of my nightmares), and they're normal old men lang naman pala, except for the fact that they wield a lot of power over us lowly debuggers. At mababait naman pala sila. Para kaming mga special guests, as in todo pakilala sa mga tao, panalo talaga.
After nung meeting, pinuntahan kami sa kwarto namin ng isa pang head nung isang scope tas nag-consult - NAG-CONSULT! - sya tungkol dun sa isang bug na pinasa namin sa kanila. Two old guys na mukhang panahon pa ng ENIAC or whatever e nagpoprogram na. Shet kung wala si Jim nun di ko alam gagawin ko. Pero ang point is, ganun na yung level - nag-coconsult sila sa 'min. Nag. Coconsult. Sa. Amin. That is just so... wrong. On so many levels.
Anyway the bad side about the fact that we have so little bugs left to fix here is that we may not have to stay for the rest of the week - baka before Friday bumalik na kami ng Osaka. Which is going to be a major suckfest because I have plans of going around Tokyo with Kabo and the other office peeps this weekend. Sad. :( Sabi ni Jim gawa raw sya ng bugs para makapag-stay raw kami. XD
Woohoo, ansaya talaga. First time ko na ganito kagaan ang feeling. In months. As in seryoso. Grabe. Mahal ko na naman ang mundo. Ang sarap na naman mabuhay. Until the next batch of bugs come in, that is. Hahaha XD Yun na muna! Good night!
2 comments:
Aba, aba, aba!
Mabuti naman at maganda na nababasa ko sa blog mo. hahahaha. Tumbler ko. 2 na. ;)
Bumili ako kagabi!!! Dalawa. Tas ininom na namin ni Jim yung free drinks. Hahahahaha XD
Post a Comment