Ang kulet ng araw ko kahapon. Ang kukulet ng mga tao. Dahil dito nais kong magpasalamat sa mga sumusunod:
Kay Asyon, sa pagbigay ng baon sa 'kin kahit POTA BENTE TRES NA 'KO HUMIHINGI PA RIN AKO NG BAON;
Kay Utoy, kase pinatawa mo 'ko paggising ko nung inabutan kitang nakahiga sa sahig sa may pintuan at inaabangan ang pag-uwi ni Asyon - napaka-effortless talaga ng pagpapasaya mo sa 'kin;
Kay Dra. Flordeliza Garcia ng Healthway, dahil sobrang gentle mo during my first-ever breast exam;
Kay Grace, dahil ang kulet ng mga nirereply mo sa text... tama, di na 'ko dudukutin ng kulto sa June 6, 2006. Charing! Gaga ka talaga;
Sa mga bagong Gingineers, dahil itutuloy natin ang na-postpone na paga-ice skating;
Kay Malupet, kase anlupet mo talaga e, taas ang kamay ko, di ka kinakaya ng powers ko;
Kay Tart, dahil sa color yellow;
Sa dalawang Lucas, sa pagseselos;
Kay Haley, para sa bonding over shopping and squid balls;
Kay Yumi, dahil nagulat ka nung tinext kita ng testing, testing;
At kay Besprend, dahil sa usual pangungumusta na nagrereaffirm na pareho talaga tayong gaga.
Ayus. Friday na. Gandang umaga!Ü
3 comments:
Kay Dra. Flordeliza Garcia ng Healthway, dahil sobrang gentle mo during my first-ever breast exam;
Masarap?
omyged! yan din ata yung nagbreast exam sakin sa healthway sa sm north! tapos sabi niya may cysts ako tapos pinacheck ko sa iba, wala daw!!! incompetent!!!
Martin... hindi e. Sobrang clinical and straightforward lang. Wahahahaha Ü
Xtiane... weird! Coincidence? Pero buti na lang sa 'kin wala syang nahanap na cysts. Kaso nakalimutan nya 'kong kunan ng ishihari test ba yun, yung test for color blindness? Nalito yung nurse, ba't daw kulang yung tests ko kay Dr. Garcia. Incompetent nga, hahahahaha Ü
Post a Comment