Monday, January 02, 2006

Another song post to start off the year

Hey there boys and girls. I'm turning 24 this year. Betcha didn't know that. And here I am, still a bum, living with my mother, my grandmother, and the son I never wanted in the first place. (I swear, para kaming the Furies - may maiden, mother, saka crone. Tamang-tama din, kase feeling ko I'm living a Greek tragedy or some shit.) Anyway aside from the fact that I'm turning 24, 2006 is also the Year of the Dog - my year. So tangina talaga, I better have a good time this year.

The latest song to catch my attention - Beer by the Itchyworms. (Thanks Marts.) Anyway it's actually pretty good, and you can totally relate to the lyrics. What do you know. Hindi lang pala ikaw ang ginustong magpakalasing para makalimutan ang nang-iwan sa 'yo. So you're not a total loser after all, dahil marami kang karamay.


Beer

Nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
nakatingin sa salamin
at nag-iisa

Nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sakin nung tayo'y
maghiwalay
ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer
ayaw pang mamatay

Giliw wag mo sana limutin
ang mga araw na hindi sana maglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ko
kaya ngayon...

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso
ko na nahihirapan
bawat patak anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
dahil olats ako
kahit ano hihithitin
kahit tambutcho

Kukuha ako ng beer
at ipapakulo sa kaldero't
lalanghapin ang usok nito
lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isipin
nag-iisa na ako

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso
ko na nahihirapan
bawat patak anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

Giliw wag mo sana limutin
ang mga araw na hindi sana maglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ko
kaya ngayon...

Ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso
ko na nahihirapan
bawat patak anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?


Gusto ko rin yung isa pa nilang kanta, yung Akin Ka Na Lang (Edok). Hahaha. Anyway Itchyworms songs sound really upbeat kahit na sad pala actually yung lyrics... and it works. Hay naku. Ang masasabi ko lang tungkol sa Beer... mas gusto ko yung pag-ibig!!! Yung pag-ibig na lang please!!! Hahaha Ü

3 comments:

Anonymous said...

hoy.kanina pa kita naisip kaya eto napadaan ako dito.dapat nga gagawa ako ng testimonial sa frenster mo.pero yun nga.anyway.halika na.tambay na tayo.nabobobo na ko.nangyayari na ang putanginang pinag usapan natin.unti-unti na kong naiinis sa sarili ko.ang baduy ko na men.tama bang naghanap ako ng tabs ng meemp(mymp)!pota! malala na to!at kakadownload ko lang pala ng beer bago ko pumunta dito.wahaha.pareho nga tayo.pero hindi beer ang kanta ko.torpe song #5 ng mymp.anopangaba.malay ko bang sila pala kumanta nun.basta hanapin mo.matatawa ka.ako kinakausap e.pero di ko pa din gagawin.sige mahaba na to.tambay na tayo.kahit kina dawn ulit.imbitahin ulit natin ang ating mga sarili!wahaha!!
hayaan na natin sila sa magulo nilang mga mundo.gawa nalang tayo ng sarili nating magulong mundo.tapos mag gamitan nalang tayo!ganun naman lagi.gamitan.wahaha!

jMe said...

oooy, naligaw ka dito tsong. nagulat ako a. taena men tambay na lang tayo ng tambay. at alam mo yung malupet dun? kahit wala kang mapapala kundi yosi at usap, walang dadaig sa sarap ng tambay. kelan natin iimbitahin ang sarili natin kina dawn? wahahaha.

anyway gusto ko nang marinig ang sumunod na kabanata sa telenobela tungkol kay i love you pingwin :-( pota may sad face pa talaga e.

panalo nga yung torpe song # 5. bagay rin ata 'to sa kaibigan kong si mike. (bwahahahaÜ)

Kung 'di ngayon kailan pa
Bukas o makalawa
Baka pa makawala pa
Naiparating mo na ba
Naihayag mo na ba
Nakapagtapat ka na ba, ano ba?

mismo. sapul ka tsong. hahaha. basta tsong i mishu na. daan ka lang sa bahay kahit kelan (kaladkarin amp). tas punta ulit tayong grocery para makakita ng buntis na batchmate. kita-kits.Ü

Anonymous said...

haha! ulul!