Antagal kong niloko ang sarili ko.
Akala ko kase naka-move on na 'ko.
Alamuyon.
Masaya na 'ko e.
Hindi ko na sya naiisip gabi-gabi bago matulog.
Hindi ko na inaalala yung mga sinasabi nya.
Hindi ko na tinitingnan yung mga picture nya.
Akala ko talaga tapos na ang kabanatang 'yon ng buhay ko.
Kaso bigla ko syang nakita ulit.
Tangina ilang taon ko rin syang hindi pinansin.
Matalino pa rin.
Madating.
Magaling pa rin magsulat.
Yumaman.
At pakshet gwapo pa rin.
Panalong-panalo.
Nakakamiss amp.
Ang tanga-tanga ko, bakit ko sya pinakawalan.
After ten years, mahal ko pa rin pala sya.
At sya si Ely Buendia.
Haha. Shet. You would think a. Anyway totoo, nakita ko sya sa Home Boy saka sa MTV Homecoming kahapon (na sabay pinalabas sa TV, so naloka ako sa kalilipat ng channel). Tangina, bigla kong na-realize kung bakit baliw na baliw ako kay Ely nung grade 7 ako at araw-araw namin pinapakinggan ni Phoebs yung buong Cutterpillow. Ohmygod I still SO want to be his groupie. Hahaha.
Nung bata-bata pa 'ko, Ultraelectromagneticpop yung pinagtitripan namin ng mga pinsan ko... actually ginagawan pa nga namin ng cover yung Tindahan ni Aling Nena. Pero wala pa 'kong alam sa pag-ibig nun.
Kaya nung grade 7 na ako at alam ko na ang ibig sabihin ng crush at ng libog, minahal ko na sya talaga nang lubusan. At na-rediscover ko kahapon ang lahat ng rason kung bakit. Ang cheesy pakinggan, at alam kong 36 years old na sya and shit, pero puta ANG HOT NYA PA RIN!!! Hahaha Ü Not to mention that he is a killer writer. And his braces are cute, kahit jologs yung hair dye nya. Haha. Pero astig pa rin sya. First love e.
Haaay. Kelan kaya ako makaka-move on.
No comments:
Post a Comment