Monday, March 24, 2008

para kay marie, lesley at dulce

dahil sila ang mga nagtaka kung bakit hindi ako naguupdate nang matagal na.

hmm, bakit nga ba.

busy. -> kumita na 'to.

lang net. -> meron naman.

tamad. walang masulat. -> mismo.

updates... dumating si dulce dito last last friday. stig naman. ginugroom ko sya para maging kapalit ko sa project dito. hahaha XD de, seryoso sobrang babaw pero na-eexcite akong ituro sa kanya kung sino si lunch guy, si anjo, si boyfriend, si kat-tun guy, si morning meeting guy, si onin, at lahaaaaat pa ng boys namin ni jim dito. haay. sabi nya hands down, si lunch guy daw ang pinaka-kyut. worth all the hype. at overrated daw si anjo. wtf. ang kyut kaya ni anjo, forever. ang sarap nakawan ng tingin. saka parang masarap, umm, basta masarap sya, period. hihihi. anlande, syet.

anupaba... andito pala si sel last weekend! nag-aishimashou kami sa osakajokoen. actually parang naging welcoming committe na kami ng osaka nina nico at ren. pag may bagong batch 7 na dumating sa osaka, KAILANGANG DALHIN SA OSAKAJOKOEN. na-perstaym ko na dun si lany, marci, val, at sel. ako naman na-perstaym ako ni ren at ni daniel nung una kong punta last year. dami na a.

sobrang eventful pa nga ng punta ni sel. saturday night, galing kami sa grocery nina sel at jim dahil bumili kami ng inumin. on the way home, may nakita si sel na maliwanag. paksyet may nasusunog na pala dun sa likod nung nadaanan naming grocery. shempre kuntodo panic kami di ba, tipong "TAO PO, MAY TAO BA?!?" sa baluktot na nihongo. buti may dumaang hapon na tumawag ng bumbero, at dating naman ang apat na trak tas may mga ambulansya pa. after mapatay yung apoy, ininterview pa kami nung bumbero dun sa van nila. tas the monday after, pinuntahan pa kami sa KMBT para interviewhin ulit. naloka yung boss naming hapon, gulat na gulat bat may mga bumbero at hinahanap kami. basta grabe talaga. ang punchline?

kung kinapkapan nila kaming tatlo nung gabing yon baka ginawa na nila kaming suspek dahil lahat kami ay mga yosi boys. wahahahahaha XD shempre kailangan may bitbit pa kaming sake saka baileys di ba, sobrang suspicious namin. mga lasenggero't nagyoyosi na naggagala dis-oras ng gabi (mga alas-dose na nun e.) pero in fairness wala talaga kaming ginawa. saka nagmagandang loob na nga lang kami no. sana nga may reward, wala naman.

anyway. grabe can i just share? ang kyuuuuuuuuuuuuut ni lunch guy lately. ilang beses ko rin syang nakausap last week, at di ko sya kinakaya EVERY SINGLE TIME. parang, the rest of the day tuwing maaalala ko sya napapa-psycho smile na lang ako at bubuntong-hininga. haaaay naman kasi talaga. yaya pa sya nang yaya magkaraoke. style. dapat wag na syang magpa-cute... in fairness kasi, soooooobrang effective... LUNCH GUY, ILU4EVR!!! :)

at LQ pa rin kami ni anjo. si dulce kasi nilalandi sya, nagpapalandi naman si anjo. kaya hmp.

sa yosihan, lagi akong thine-threaten ni jim na kakausapin nya si morning meeting guy, si boyfriend, si aldy, or whoever na makasabay namin. at lagi kong sinasabing pag ginawa nya yon, magwa-walk out ako. kasi malamang ang gagamitin nyang opening line ay, "sumimasen, jamie-san wa kikitai koto ga arimasu..." ("excuse me, may gustong itanong si jamie e...") ILANG BESES NA NYANG GINAWA YON AT OHMYGOD HINDI KO KINAKAYA ANG HIYA KO. at dagdag pa pala, kawalanghiyaan ni jim at dulce, talagang tumititig sa mga cute boys sa office... ako pa yung nahihiya e, sila deretso tingin talaga! buti pa 'ko marunong sumimple, wahahahahaha XD

anyway. haha. sorry na, sabi ko wala akong makwento di ba. mga cute boys lang kasi inaatupag namin sa office (kala mo trabaho a.) i luuuuuuuv cute japanese boys. sa gabi pag-uwi ko nanonood pa 'ko ng D no Arashi, lumang tv show nina matsujun. ang kyut e. saka ang kuleeeeeeeeeet sobra. LESLEY PUNTA KA NA DITO NOOD TAYO CONCERT SIGE NAAAAAAAAAAAA GUSTO KONG MAKITA SI RIIDAAAAAAAAAAAAAA.

bumili rin pala 'ko ng gitara last week. second hand, acoustic, nylon, yamaha, 8k yen. akala ko naka-jackpot na 'ko dahil stig, yamaha yun a. tas na-realize ko afterwards na SHET ASA JAPAN PALA KO YAMAHA LAHAT NG GITARA DITO. haha well di naman pero still. may plans kami ni jim tumugtog sa train station bago kami umuwing pinas. keber lang wala namang nakakakilala sa 'min e, wahahahahaha XD

kelan ba 'ko uuwi... sabi ko sa boss ko, kung pwedeng after na ng cherry blossom season ako umuwi. na-miss ko rin kasi yun last year. so hopefully this year makapag-hanami na 'ko. :D

lots to look forward to. tapos na yung isa kong scope sa KMBT, isa na lang ang natitira. nakaraos din sa wakas. pag-uwi ko andaaaaaaaaaaami kong kailangang i-hug na tao. andami kong namiss sobra. unang-una ang mga little monsters ng ate't kuya ko. lapit na. :D

ayan. updates for now. sorry sabog, 230 am na at humihilik na si jim sa likod ko. makikitulog ako sa bahay nya tonight dahil nakakatamad umuwi, anlamig e, syet.

hahaha o ja that's all for now. gnyt! :D

Friday, March 14, 2008

?

Lately medyo naging magaan naman na ang trabaho. Sarili ko lang mostly ang iniintindi ko since napunta na sa iba't ibang proyekto ang team ko sa Pinas. Pero.

Hirap na 'kong humugot ng gana magtrabaho. Parang inuubos ko lang ang oras ko sa pagsusulat ng email, sa pagdedebug, sa pagchat, sa pagtetest sa printer, sa pasulyap-sulyap sa mga cute boys. Lahat ng gawain ko ay filler lang hanggang sa susunod na yosi break.

Gising ng 830, office ng 930, dinner ng 11, uwi ng 12. Hindi ako makakatulog kahit anong pilit ko hanggang umabot ng alas-tres o alas-kwatro. Ano na bang nangyayari sa 'kin.

Nung mga panahong tinotorture ako ng mga boss kong Hapon, sabi ko ayoko na talaga sa Japan, wala nang balikan pag umuwi ako. Ngayon medyo nagbago na naman ang isip ko. Ok lang bumalik. Saka hindi ko alam saan pupulutin ang project namin pag iniwan ko 'to kay Bulce. (Joke lang bakel, see you mamaya.) May sense of responsibility naman ako sa proyekto at kay Bulce kahit papano.

Ok lang bumalik. Sa palagay ko. Pero pano ako babalik kung hindi ako uuwi?

Tae gusto ko nang umuwi.

Sunday, March 09, 2008

Sangatsu Tooka

Last year I wrote this on my blog:

----------------------------------------------------------

Friday, March 09, 2007

Bored

39 today!

Sangatsu Kokonoka. Stig. Song of the moment. Mahal ko na ang Remioromen.

La lang. Just trying out my Konica Minolta email. Haha.
----------------------------------------------------------

Sangatsu Kokonoka. Kono saki mo tonari de soto hohoende... sigh. Natsukashii na. It's still a good song. I just wish I didn't have to try out my Konica Minolta email as much, though. On a very busy day I think I can send up to 20 emails. Ka na. Anyways I tried lying in bed an hour ago in hopes of getting to sleep and not having such a difficult time getting up later in the morning. No such luck. Dammit.

Last Saturday, had Ren, Nico, Phoebs, and Rommel over for our KMBT dinner. Tanoshikatta. Kaso I think I made sure na takot na sa 'kin forever si Ren when I introduced him to everyone as "my ex." Wahahahaha XD Sarap ng dinner. Salamat sa lahat ng nagluto, lalo na yung KFC peeps. Haha joke lang. Thanks Jim, thanks Jiggs, thanks Ates :D Next week alam ko may bagong bisita na kami e. Sino kaya.

Ugh I reaaaally have to sleep na. Syet. Please God patulugin nyo na po ako. So that I may have the strength and self-control to face Anjo for yet another week. Amen.

Tuesday, March 04, 2008

Arashi Picture Spam!

Because I, literally, have nothing better to do than surf and download and listen to and watch these boys make complete asses of themselves (and each other.)

Matsumoto Jun, a.k.a. That Guy in Hana Yori Dango Who Started This Crazy Obsession (okay, the video is totally unrelated to HYD, but still, cute right? Isa pa!)






Ohno Satoshi, a.k.a. The One Jamie Likes Best







Aiba Masaki, a.k.a. The Tall Guy with the Funniest English EVER
(oh, and he went to Malabon Zoo in 2005, dammit why didn't I know about this)




Ninomiya Kazunari, a.k.a. That Guy in Letters from Iwo-Jima with the weird hair now






Sakurai Sho, a.k.a. The One Guy in Arashi I'm Kinda Sure is Not Gay




In other news... Random Fan Service Pics!

Oldest Two



Cutest Two



Hottest Two



Funniest Two




And, last but not least, the money shot.

Still from Arashi's "Kiiroi Namida" movie, a.k.a. HARAP, SHO, HARAP!



Wahahahahaha natatawa 'ko sa kaadikan ko. Kasalanan 'to ni Lesley kinukunsinti namin ang isa't isa e. Hahahahaha XD

Anyway woohoo tulog muna! :)

Sunday, March 02, 2008

I miss Utoy. :'(


Webcam Chat, March 2, 2008
Utoy: "Where's your boyfriend?"
Me: "There! Matsujun!" (points at poster on opposite side of the room)
Utoy: "But he's not moving! It's just a picture!"

Napakawalanghiya talaga ng batang 'to, di marunong sumakay, haha. Lapit na birthday ng ungas, March 7. Batiin nyo a. :)