Lately medyo naging magaan naman na ang trabaho. Sarili ko lang mostly ang iniintindi ko since napunta na sa iba't ibang proyekto ang team ko sa Pinas. Pero.
Hirap na 'kong humugot ng gana magtrabaho. Parang inuubos ko lang ang oras ko sa pagsusulat ng email, sa pagdedebug, sa pagchat, sa pagtetest sa printer, sa pasulyap-sulyap sa mga cute boys. Lahat ng gawain ko ay filler lang hanggang sa susunod na yosi break.
Gising ng 830, office ng 930, dinner ng 11, uwi ng 12. Hindi ako makakatulog kahit anong pilit ko hanggang umabot ng alas-tres o alas-kwatro. Ano na bang nangyayari sa 'kin.
Nung mga panahong tinotorture ako ng mga boss kong Hapon, sabi ko ayoko na talaga sa Japan, wala nang balikan pag umuwi ako. Ngayon medyo nagbago na naman ang isip ko. Ok lang bumalik. Saka hindi ko alam saan pupulutin ang project namin pag iniwan ko 'to kay Bulce. (Joke lang bakel, see you mamaya.) May sense of responsibility naman ako sa proyekto at kay Bulce kahit papano.
Ok lang bumalik. Sa palagay ko. Pero pano ako babalik kung hindi ako uuwi?
Tae gusto ko nang umuwi.
No comments:
Post a Comment