Di pa nagsisimula ang scheduled OT ko today nas-stress na 'ko.
Nitong nakaraang linggo, abot-abot ang suporta sa 'kin ng Hachiouji para sa mga bug fixes ko.
(Pakshet kasi si Anjo andaming iniwang bugs sa modules na ginawa nya last year.)
Araw-araw andami kong mail na pinapadala at natatanggap galing sa Hachiouji - guidance sa bug fix, review, mga paalala, lahat.
Tas ayun.
Biglang pinoint out ni Sir Bert.
"O, kasama pala si Anjo sa mail e."
Syeeeeeeeeeeet. Ba't sya napunta don. Ba't sya nasali sa usapan namin. Sya ba yung kumukutya ng mga bug fix ko? O sya ba yung tumutulong? Ano'ng ibig sabihin ng lahat nang ito?!?
Wala lang. Haha. 'Kala nya porke malayo sya matatakasan na nya 'ko a.
Anyway. Whatever the reason may be, matutulog na 'ko. Nyt.
No comments:
Post a Comment