Nasanay lang sigurong nand'yan ka
'Di ko inakalang pwede kang mawala
'Yan na nga.
Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na.
- Sugarfree, "Unang Araw"
Minsan mabubwisit ka sa mga songwriters e.
Parang ninanakaw nila yung emosyon mo
at uunahan kang gawan ng kanta.
So. Friday. Buong araw akong kinukulit ni Jim na magbabay raw kami kay Anjo.
Gawin na raw namin lahat ng nakakahiya
dahil aalis na naman sya.
Nagmaganda 'ko.
Sabi ko, hinding-hindi ako magpapaalam sa kanya
at galit na 'ko sa kanya forever pag hindi sya ang nagbabay sa 'kin.
Personally.
Antigas ng mukha 'ko no?
Aalis na sya
forever
tas hahayaan ko syang umalis nang ganun na lang.
Lupet ko e.
Hapon na, tapos na ang weekly meeting namin nina Sir Bert
bumalik akong mag-isa't bad trip sa area namin.
Nadaanan ko sya.
Baka namalikmata lang ako
pero tiningnan nya 'ko nang matagal.
Sumimangot ako lalo.
Naisip ko kasi,
"Tangina mo titingin-tingin ka dyan.
Ganon ba 'ko ka-insignificant?
Nakapagbabay ka na sa lahat ng kaibigan mo a.
Hindi tayo magkaibigan,
pero may pinagsamahan din naman tayo kahit papano.
Don't I deserve a freaking goodbye?
Magkano ba yang babay mo?"
Galit at lungkot.
Panalong kumbinasyon.
Anyway.
To make the long story short,
my gamble paid off.
Nung gabi na at durog-durog na yung puso ko kakahintay sa babay nya
lumapit sya sa 'kin.
"Jamie-san, otsukaresama desu."
"Uh, otsukaresama desu."
Tas lumuhod sya sa tabi ko.
(Bakit kailangan nakaluhod?)
Kwento sya, huling araw nya na raw sa office
kasi lilipat na sya sa Tokyo.
Kunwari nagulat ako.
"Hontou desu ka?
Kyou desu ne."
(Di nya alam
dalawang linggo na 'kong nagluluksa sa pag-alis nya.)
Tuloy ang kwento.
Habang nagkukwento sya
nakatitig talaga 'ko sa kanya,
para tumatak sa utak ko yung moment na yun
dahil alam kong yun na ang huling beses na makikita't makakausap ko sya.
(Yuck jologs.)
Sabi nya, baka raw yung project nya dun,
may kinalaman dun sa ginagawa ko ngayon
kaya baka makatrabaho namin ulit ang isa't isa.
Gusto kong sabihin,
"Ulul pinaasa mo pa 'ko."
Pero hindi.
Sabi ko, "Sige, enjoy ka dun."
Natawa sya.
In fairness napatawa ko sya.
Ang kyut nya kasing tumawa e, putangina.
Tas sabi nya hindi raw sya sigurado kung mage-enjoy sya dun.
Biglang umepal yung katabi naming hapon.
"Tumatawa sya pero nalulungkot yan."
Tas nagtawanan kami.
Sabi ko,
"Sorry andami kong atraso sa 'yo a."
Sabi nya,
"Wala yun."
Tumayo na sya.
Nag-bow ako sa kanya.
Sabi ko,
"Osewani narimashita."
Tas.
Tapos na.
Pagkatapos nya 'kong kausapin
si Jim naman yung kinausap nya
pero mabilis lang
at hindi sya lumuhod.
Kung anuman ang ibig sabihin non.
I wish it was more epic than what it actually was
but the truth is,
that was it.
Sabi ko kay Kabo,
"That was all the closure I could get."
Sabi nya,
"Diba that was more than you asked for naman."
In fairness kay Anjo.
It was.
Salamat Anjo.
Akala ko kasi
iiwanan mo ako nang ganun na lang.
Ingat kayo sa Hachiouji.
Mata ne.
2 comments:
:'(
wala na talaga sya aps.
iba na ang kmbt itami. :'(
Post a Comment