Wednesday, February 22, 2006

Post-Balentyms Post

Oo, alam kong nag-post ako ng isang napaka-depressing na post nung tanghali ng Feb 14. Pero pwede rin palang maging masaya ang Valentines pag kasama mo ang mga kaibigan mo at magtitrip lang kayo buong araw at gabi.

Nung hapon, medyo traumatic kase hinarass ako nina Sweet at Neil para kausapin si Sir Bong, e sobrang ayoko. Pota who wants to see their thesis adviser on Valentines Day? Who wants to see their thesis adviser ever again? Depressing amp. Buti na lang wala sya, wahahaha Ü Anyway later on nanood kami ng Fun with Dick and Jane at sobrang bumenta sa 'kin ang mga kagaguhan ni Jim Carrey. Ang kulet ng anak nya amp, panoorin nyo. Pagkatapos, nakipagkita kami kay Lana at sa kanyang minamahal na si Jom (Oo, sila na ulit.)

Me: "Kayo na naman? E di ang saya mo bakla."
Lana: "Oo naman." (sabay ngiti)

Cheesy!!! Wahahaha Ü Nung pauwi na 'ko, naisipan kong dumaan sa Valentines dinner kina Sassy. Sabi kase ni Erika at ni Yumul pumunta raw ako. (Tsong ikaw yung hindi pumunta! Haha pero ayus lang :b) Buti na lang talaga pumunta 'ko, dahil sobrang mas gumanda yung araw ko. Trip lang ng trip, piniktyuran pa namin ang lahat ng bagay na korteng puso. Una: ang chocolate cake.


Pangalawa: ang coffee crumble.


At pangatlo: ang maliit na pond sa backyard nina Sassy.


Kulet. Actually dapat may piktyur din dito yung design na heart sa bra nung isa sa 'min, kaso hindi na makita ng camera e. Malabo. Sayang.

Anyway it was the first fun Valentines I've had in four years. Sobrang tawa lang ng tawa sa bawat kagaguhan, tas background music pa namin mga sobrang depressing songs, 'loser' songs, ayon kay Nancy, na ayaw na ayaw sa Crazy For You. Eto yung piktyur namin with Camille Prats sa cover ng FHM (WTF???)


That's Dawn, Nancy, Erika, Sassy, Camille, and Trendy. Wala. Nakakamiss ang hayskul.

Speaking of Camille Prats, gusto ko lang i-share 'to from the atenista2004 mailing list:

Keanna-isms on Celebrity Pinoy Big Brother

Keanna: "John Prats! John Prats! Kunin mo nga yung chicken." (Full name talaga amp)

Keanna: "Di ko alam na pinag-uusapan ako kasi ba't naman ako nila pag-uusapan? Di ko naman bertdey."

Keanna: "Rustrum!!"
Roxie: "Rustom hindi Rustrum!"
Keanna: (deadma) "Pakialam mo? Mayaman ako sa letter R!"

RULE: Bawal galawin ang furnitures ng wala akong pahintulot.
Keanna: "E di bawal pala gamitin yung rocking chair? Kasi gagalaw yun."


Ang kuleeeeeeeet, hahahaha Ü Anyway yun na muna, ingat kayong lahat! Ingatan ang mga cellphone! Mwah mwah mwah!

4 comments:

jp8 said...

ang labo ng mga picture.... 2Mega Pixel ba yung camera na yan o yan yung bago mong phone pero lumang model... hehehe...

jMe said...

hay nako corny, totoong digicam kaya yan, pinaliit ko lang yung pictures. kesa naman dun sa mga poster shots mo na sobrang labo. itapon mo na nga yang cellphone mo (pero sa direksyon ko).

jp8 said...

mahirap ka talaga... namumulot ka nang mga cellfon na tinapon yuck!!! di ko nga alam kung bakit may pumulot ng cell mo eh... mabebenta na lang yun ng 100pesos tapos ang panget pa hehehe...

jMe said...

Gagu pupulutin ko talaga yung cellphone mo no, okey ka lang? Sinong di pupulot nun?

Cute kaya cellphone ko... pero ok lang mawala yun. Mura lang naman talaga yun e. Yung sim yung iniiyakan ko. Waaaaaah