Nagpadespedida kagabi si Trendy D' Bully sa bahay nila.
Pupunta na sya ng Cebu para dun na manirahan for an indefinite amount of time.
Magtatrabaho sya sa isang dive shop.
At isasama nya ang pinakasuwerteng askal sa Pilipinas na alaga sa vaccinations.
Nakita ko sya nitong January 2006 lang. Huling kita ko sa kanya ay February 2003.
Tatlong taon kaming hindi nagkita.
Nung nagkita kami, tinanong nya 'ko, "Kumusta na kayo ni Egbert?"
Hindi naman ako na-bad trip. Sabi ko, "Sino yon?"
Mamimiss ko sya, kahit nitong huling mga araw ko na lang sya ulit nakasama.
Marami silang ipinakilala ni Sassy sa akin na mga Loser Songs.
Tulad ng "Hedonism" by Skunk Anansie at "Oo" ng Up Dharma Down.
Sana mahanap nya ang kaligayahan nya sa Cebu, kung wala man dito iyon.
Wala lang. Alam ko namang hindi ako nabawasan ng kaibigan e.
Sabi nga ni Erika, "Babalik din naman yan e."
Sabi naman ni Hannah, "Puntahan na lang natin sya sa Cebu."
Sabi naman ni Tin, 98 lang daw ang ginagamit na paa ng centipede pag nagjojogging.
Basta, ganon. Sana manumbalik nga si Trendy. Dahil mahal daw ang cost of living sa Mactan, at wala akong pera.
Nooni nooni noo.
2 comments:
oo nga eh... halatang wala kang pera... wawa ka naman... di ka talaga makakapunta ng mactan... di kc kaya ng bus papunta dun.. airplane o boat lang.. pag ako kc helicopter eh..
Skwater ka talaga jp. Hindi ka makuntentong mang-asar sa cell, sa email, pati sa blog nanghihirit ka. All during work time. Magtrabaho ka nga!
E wala talaga akong pera e, anong gagawin ko, hindi naman mayaman ang tatay ko. Hindi ko kayang magpatayo ng CTC para sa admission ko sa Ateneo at ng Student Leadership Center para sa graduation ko. Hindi ko naman pati kamag-anak si Manny P. Hindi tuloy ako makagamit ng nepotismo.
JOKE LANG JP!!! Walang totohanan. Hahaha Ü
Post a Comment