Opis na naman. Dapat may perfect attendance award ako e. For weekends.
Ayun. Nalaman namin last week na malapit nang matapos 'to.
Hindi matatawaran ang nakaraang tatlong taon. Pag tinanong ako kung ano ang inatupag ko sa buong professional life ko so far, isang pangalan lang ang naiisip ko - KMBT.
Andito kami sa opis ngayon - ako, si Dulce, si Angel, si Ken - tuloy pa rin. Si Jim lang kulang.
Sa 'min nagsimula. Mukhang sa 'min din magtatapos.