Aalis na sya.
Aminado naman ako e.
Pumapasok ako ng office,
excited na malaman lang kung ano'ng isusuout nya nang araw na 'yon.
Kung bago ba, bagay ba.
Kung magsasalamin ba sya today o hinde.
(Kasi gwapo na sya nang may salamin, mas gwapo pa pag wala.)
Makakasabay ko ba sya sa yosihan today.
Magbo-bow ba sya pag nagkasalubong kami today.
Naka-tuck in ba sya today.
Makikitaan ba sya ni Jim today.
Malalaman ko ba kung ano'ng kulay today.
Maglalambingan ba sila ni Boyfriend today.
(Kikiligin ba 'ko o magseselos today?)
Maliliit na bagay lang
pero sobrang laki na ng epekto sa araw ko.
Tas aalis na sya.
Kinausap ko sya kahapon
nung hindi ko pa alam na aalis na sya.
Antagal kong pinag-isipan yung sasabihin ko
kasi sobrang kabado talaga 'ko.
Paglapit ko sa kanya napansin ko
hindi pala sya naka-salamin.
(Muntik ko nang makalimutan yung sasabihin ko.)
Jamie: "Um, suimasen. Shitsumonshitemo ii desu ka?"
Sya: "A, ii desu yo."
Tas pinalapit ko sya sa PC ko.
Lumuhod sya sa tabi ko.
Tas nakinig sya nang mabuti sa tanong ko.
(Pinaulit pa nya kasi hindi nya ata naintindihan dahil nagkautal-utal ako.)
Tas pinaliwanag nya yung sagot nya.
Sobrang sweet.
Sobrang lambing.
(It was all I could do not to fall off my chair right then and there.)
Kaya pala ambait nya
kasi aalis na sya.
Kung kelan kaya ko na syang kausapin.
Kung kelan kaya ko na syang yabangan,
"Oi, kaya ko nang gawin yung tinuro mo sa 'kin dati."
"Dali lang pala e. 'Kala mo a."
Aalis
Na
Sya.
Sa KMBT Hachioji na sya magtatrabaho.
Kasama yung pamilya nya, malamang.
Wala nang balikan.
Jamie = Osaka.
Sya = Tokyo.
Anlayo nun men.
Hindi nya 'to mababasa
at mapuntahan man nya 'to, hindi rin nya maiintindihan.
Pero gusto ko lang sabihin
na wala ako sa kinalalagyan ko ngayon
- literally and figuratively -
kung hindi dahil sa kanya.
Na nagsisikap akong galingan yung trabaho 'ko
unang-una para makuha ang respeto nya.
Sa ngayon malabong nakuha ko na
(dahil hindi pa naman ako magaling talaga)
pero hanggang kahapon ang iniisip ko talaga
balang araw, tangina alam kong makukuha ko rin yon, antayin nya lang.
Balang araw, may karapatan na rin akong lambingin sya.
Tas biglang ayun.
Now we'll never know.
And he'll never know.
Kasi aalis na sya.
Tama na nga ang drama.
Hindi ko rin naman talaga 'to masasabi sa kanya.
Things left unsaid - specialty ko yun e.
Anyway.
Salamat sa lahat, Anjo.
Hindi ko naisip
na magiging ganito kang kalaking kawalan sa buhay 'ko.
10 comments:
awwwwwwwwwww ang sakit
bianx is in tokyo. now you have a good excuse to go!
Hachioji is nearly Kanagawa I think :P Its 35 Km from here (sabi dun sa sign sa may highway).
Easy solution, move to Tokyo!
Waaaaaa!!!
Nalulungkot ako. Seryoso.
At naiiyak.
Langya naman o.
Walang ganyanan.
Pati ba naman si Anjo?
oi wag ka magfrenzy stabbing dyan sa kmbt ha. hehehehe
Abs: I reeeally wanna see Bianx.
Ryan: I can't move to Tokyo for Anjo. May magagalit, remember?
Jp: Ulul ka talaga. Baka frenzy kissing. Haha.
Dulce: :'(
Wala nang Anjo. Meron na lang Boyfriend, Morning Meeting Guy, Kat-tun Guy, at Lunch Guy.
Pero wala nang Anjo.
Wala ng lunchguy, tinanggal ko na sya sa listahan... Pero torture to, napanaginipan ko sya, ngayon lang.
Pati ba si Lunch Guy wala na rin. Hanggang panaginip na lang sila ni Anjo. Ansaklap naman, wag ganon. Pano na yung listahan natin. Nawala yung 0 saka 1. :'(
Kung tutuusin, mahaba pa ang listahan e. Pero iba talaga si Anjo at si Lunch Guy. Sa kin na lang sila. Hihi. Joke.
Malandi kaaaaaaaaa, hahahahaha XD
Saka onga, mahaba ang listahan. Pero aanhin ang listahan kung walang Anjo at Lunch Guy. Mawala na lang yung iba wag lang sila e. Waaaaaah senti amp. Ewan ko. Mahirap palitan.
Post a Comment