Tuesday, May 06, 2008

Oo na.

Haven't blogged in, I dunno, forever. Sorry for the lack of updates. Busy.

Kasi asa Pinas na 'ko for the past week and a half, yeah boy. Isa-isahin natin ang mga nakaraang araw.

Day One.
Dating ako April 25, Friday. Almost missed my flight because I was supposed to leave the house by 6 am to go to the airport but ended up waking at 630 with my luggage still unpacked. Pota panic talaga, inisip ko talaga papatayin ako ng nanay ko pag wala ako sa airport pagsundo nya sa 'kin. Ang unang words sa 'kin ni Utoy pagkakita nya sa 'kin sa airport? "Tita Jamie, what'd you buy for me?" Napakawalanghiya.

Day Two.
The next day, Saturday, me and Asyon went to check out the new SM Taytay. And to buy pants. In fairness may SM na sa Taytay a. Harharhar. Oks naman. Was supposed to go to Grace's baby's binyag, kaso inabot ng anim na oras dahil sa pagpapalagay ng bangs. (Saka dahil hindi sinasagot ni Sweet ang phone nya.) In the evening, ate at Bahay Kawayan and did karaoke with family. Kuleet.

Day Three.
Sunday, went to Greenhills with Asyon, Jason, and Dek. Pinalagyan nina kuya ng piratang games yung uwi kong mga PSP nina Utoy at EJ habang naghanap naman ako ng spring at summer wardrobe. Wakekekek.

Day Four.
Monday, arrived one hour late for work, in the middle of the morning meeting. Grabe nakakahiyaaaaaaaa. Pero ayus, masaya naman. Dami ko talagang namiss, grabe. Narealize ko yung sobrang kaibahan ng working atmosphere sa Japan at sa Pinas. Sa Japan kasi lahat ng tao tutok talaga sa ginagawa. Nagtatawanan man, malamang tungkol sa trabaho yung pinagtatawanan. (Shet geeks.) Sa Pinas, lahat ng bagay pinagtatawanan. Saka lahat pwede mong kausapin. Saka pwede mong i-hug. Haha. Libre mangyakap sa Pinas! Tae kung pwede lang dalhin yung ganung kultura sa Japan... Anjo, halika dito, harharharharhar >XD

Naalala ko lang, nung depressing days ko sa Japan, magyoyosi ako dun sa hardcore smoking room and then imagine myself back at the Makati balcony. And somehow that was a comforting thought, something I came to look forward to. Tas andun ako men. After seven loooong months. Stig lang.

Bad trip lang pagbalik ko, andami nang wala sa office. Yung limang cute boys sa listahan ko dati? Lahat wala na amp. Mula sa pinagpipitagang tuktok hanggang sa pinaka-virgin na ilalim. Labu nun.

Day Five.
Anyway. Tuesday, attended meeting with clients the whooole day. Tas pinag-OT pa ata ako ni Boss Dulce. Shet akala ko graduate na ko dun. Harharhar.

Day Six.
Wednesday, meetings and OT ulit until 9 pm (sakto sa uwian sa JP), tapos sinundo ako nina Martin, Jp, Ammy, and Miko sa office for dinner at Sentro Greenbelt. I would like to take this opportunity to make an announcement: TAENA AMBABUY NA NI JP!!! KADIREEEEEE, WAHAHAHAHAHA XD Buong gabi nya ko inasar tungkol sa pagiging poor ko at sa wakas daw ay nag-pay off na yung pagi-invest nila sa 'kin dati at ngayon kaya ko na silang ilibre, pero ok lang yung pangaasar nya kasi TAENA AMBABUY NA NI JP!!! HARHARHAR >XD P.S. Jp ilu. P.P.S. Marts thanks sa paghatid, ilu2. Yung pact natin, don't forget.

Day Seven.
Thursday, celebrated Labor Day by going to the office, woohoo!!! Nagpaka-stress buong araw with Dulce. In the evening, went out with Action batchmates and enjoyed a grand reunion in Alabang. Stayed up until almost 3, lang pakelam kahit may pasok kinabukasan. Ang kulet sobra men. Kaso tigas talaga, ayaw umamin ni Amiel saka ni Daniel. Kailangan bago ako umalis umamin yung mga ungas na yun sa 'kin.

Day Eight.
Friday, tulog tas pasok office ng hapon for the weekly report. Katamaaad sobra. Aaay, nakita ko pala si Boah. Galit nga pala 'ko don, asan na yung hug ko?!? Che. P.S. Bondi thanks sa babuuuuuy na lighter. Kulet. Anyways gabi, dinner na naman and karaoke with family. Nawiwili a.

Day Nine.
Saturday, Megamall naman with Okray, Ate Ma, and Shella in search of the perfect swimwear. Found it at Speedo. Doubt I'll ever wear it, though. Siguro if you get me drunk enough?

Day Ten.
Sunday, ukay day! Sakto new arrival nung pumunta kami ni Labo. Scored a new leather jacket. Stig.

Day Eleven.
Monday. Kahit nakapunta ka na ng SM Taytay, Greenhills, Megamall at Ukay-ukay, hindi kumpleto ang shopping experience pag di ka pumuntang Divisoria. And then add a little Sta. Lucia East Grand Mall. Swak di ba?

Day Twelve.
Tuesday. Sa wakas gumana ang internet sa bahay. Sobrang tuwa ko lang talaga men. Nagkaron na rin ako sa wakas ng contact with the outside world. At nameet ko na rin ang anak ng gwapo kong pinsan na si Jopet. Wink wink, Dulce.

Day Thirteen.
Wednesday. Writing this.

I have... four days left until I have to get back to Japan. Ugh. Sabi ko nga sa nanay ko nauubusan na 'ko ng araw. Shet pressure. In this span of time I still have to:

- meet my best friend
- meet high school friends
- meet F4
- meet other college friends
- meet English blockmates
- go out with officemates
- drink with cousins
- celebrate Mother's day

... at maraaaaaaaami pang iba. God two weeks is just not effing enough. Not enough men. Sa palagay ko hindi pa nga ako namimiss nung boss kong Hapon e. Kakakita ko lang sa kanya nung Thursday, anu be.

Pero andami dito na kahit nagkita na kami, namimiss ko pa rin. At mamimiss ulit, diumano hanggang Disyembre na naman. Sobrang saya pag nakikita ko ulit yung mga tao, as in hindi matatawaran talaga ang ikaka-psycho smile ko dahil sa nakaraang linggo... pero.

Sobrang lungkot din. Tsong, sobrang lungkot. Kahit sa gitna ng tawanan nalulungkot pa rin ako, kase alam ko na kalahating taong mahigit na naman bago ko maranasan ulit yun. Kalahating taon ko na namang papangarapin magyosi sa Makati balcony men. Kahit ganun kaliit na bagay nakakamiss e.

Pakshet talaga men. Kaso kailangan ko ring subukan kung saan ako dadalhin ng Japan experience ko. Kung di talaga kaya, e di hindi. Wag pilitin. Pero kailangan kong subukan. At shempre napamahal na rin sa 'kin kahit papano ang Japan experience kaya kailangang balikan. Kahit for closure lang.

Okey, ang haba na ng post. Next time na ang pictures. Hopefully magawa ko naman lahat ng kailangan kong gawin bago bumalik dun. Aw. O sya. See ya.

No comments: