Pansin ko lang. Simula nung dumating si Dulce dito di na ko nagbblog. Hmm. I'm not saying it's a bad thing a. Pansin ko lang. Siguro kasi alam kong isa sya sa mga onting taong nagbabasa ng blog na 'to, at since kasama ko naman sya 24/7, di ko na kailangang mag-blog.
Nag-inuman kami nina Big Brother nung Friday. Sabi nya sa tingin daw nya alam ni Anjo na type ko sya. As if. Wag syang feeling a. Andami-dami ko kayang type.
Last week wala kaming na-close na bugs. Siguro kasi POTA TIRA-TIRA NA LANG YUNG BUGS NG PUKI NANG INANG LAPLATA, ANG HIHIRAP.
Si Lunch Guy umapir bigla kanina sa caf. Sabi nya, "Kelan ka ba uuwi?" Wag ka nang magalit. Malalaman mong uuwi na 'ko kasi yayakapin kita. ;))
Shet di ko kayang panindigan yon. Bawi, bawi.
Di ko pa alam kelan ako uuwi. Sorry na. Sabi ng nanay ko andami na raw nag-aabang sa 'kin. Hindi ko alam kung good thing or bad thing yun.
Payagan kaya akong umuwi even? Baka ma-miss ako masyado ng mga boss kong Hapon, singilin ako ng bugs kahit asa Pinas ako.
Tuwing imemessage ako ni Sir Butch ng "hello jamie" sa YM kinakabahan ako, di ko alam kung bakit. Pero usually naman may hinahanap lang syang tao.
Nag-mail ako kanina kay Anjo, at nabwisit na naman ata sya sa tanong 'ko. Naguuubo na naman sya nang napakalakas sa upuan nya habang nagrereply sya sa mail ko e. "Fuck, another stupid question from Jamie," nai-imagine kong tumatakbo sa utak nya. Ay mali. Dapat pala "くっそ~、このばかやろう~。" Kulang na lang ibalibag nya yung keyboard nya, tulad nang ginagawa nya dati.
疲れた、本当に。Yosi na lang nang yosi para bumilis ang oras. Di mo namamalayan, wala ka pang nacclose na bugs, alas-diyes na naman. At tomorrow's another day. "To do OT," sabi nga ni Kabo. Depressing. Haha.
O sya. Ala-una na. Hirap magpilit magsulat pag wala sa mood. Masabi lang na nag-post. Ja na.
4 comments:
ang kulet ng post! hehe
haha XD la nga akong masulat e!
at sinisi mo pa ko. hahahaha!!
sheeeeeeeeeeeeeeeeeettttt.. napapraning ako sa bugs!!!
wahahahahaha XD
di ko na naman alam irereport ko bukas baklaaaaaaaaaaaa :((
Post a Comment