Monday, January 17, 2005

Snail Wrap



You see the black thing slithering among the greens in my wrap? That's the snail, sans shell, I almost ate last week on the worst day of my year. It was like that Freddie Aguilar song, "Estudyante Blues":

Ako ang nakikita, ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Paggising sa umaga, sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskwela
Kapag nangangatwiran, ako'y pagagalitan
Di ko alam ang gagawin

Literal, bago ako mag-almusal niratratan ako ni Asyon. Syempre I told her what I thought about what she was saying, at dahil dun lalo syang nagalit kase ayon sa kanya "sumasagot" pa raw ako. Mygulay, paano kami magkakaintindihan kung di ako sumagot, di ba? Hindi na tuloy ako nag-almusal, nawalan ako ng gana.

When I got to school sakto, tapos na yung first and only class ko of the day. Tamang asa classroom pa silang lahat pero palabas na kaya di na ko nakapirma sa attendance sheet.

Pagkatapos non nakipagmeeting naman kami sa thesis adviser namin na pinagtaguan ko ng tatlong buwan... without my partner. Mag-isa ko syang hinarap at halos matunaw ako sa kinauupuan ko.

After non, gutom na ko kase di pa ko kumakain kaya nagpabili ako ng chicken wrap nung pumunta sila sa caf... so kumain na ko at nung malapit nang maubos, biglang umappear yung puki ng inang suso sa pagkain ko. Imagine, lumabas muna yung antenna nya tas ayun, gumapang na sya palabas at tuluyan nang nag-Hello World. Iyak naman ako sa sobrang kabadtripan. Kinunan pa nila ng picture yung chicken wrap, akala kase nila malalagay sila sa Guidon.



So yon. Ngayon ko lang nashe-share kase hindi na ko ganun kaburat. I know the day wasn't as bad as, say, if I lost an arm, or a tsunami hit, or something... pero all the same, it was just too much to take in one day. Awang-awa talaga 'ko sa sarili ko nun, and that doesn't happen too often.

January 12, 2005 yun. Happy Birthday, Pappy.

1 comment:

joeness said...

okay lang yan jme..i know how that feels..pakshet din araw ko ngyn..after MM sa cr..eto..nag net nlng ako.hehe